Ang mga dayuhang studyane ng unibersisad na nahaharap sa pinansyal na kahirapan dulot ng new corona virus ay maaaring maging kwalipikado na makatanggap ng subsidy na JPY50,000 bawat isa (Maaring mag-apply hanggang Nobyembre 30)
Kwalipikasyon:
Mga estudyante sa bokasyonal na paaralan, paaralan ng wikang Hapon o unibersidad na may visa na "International Student".
Para makapagapply kinakailangang may part time job ang estudyante mula Enero hanggang Oktubre 2020 at napapasaloob sa mga sumusunod:
- Ang sweldo bilang part-time ay ¥50,000 o higit pa sa isang buwan.
- Pag kumparahin ang sweldo ng buwan na may pinakamataas na suweldo sa buwan na may pinakamababang suweldo, kung 50% ang rate o higit pa ang binaba ng sweldo ,at ang halaga ng pagbaba ay ¥50,000 o higit pa.
- Pag kumparahin ang sweldo ng kasalukuyang buwan para sa 2 magkakasunod na buwan (2) o 3 buwan (3), ang average na rate ng pagbaba ng sweldo ay 30% o higit pa, at ang kabuuang halaga ng pagbawas ay ¥45,000 o higit pa.
Halaga ng subsidy: 50,000yen bawat tao
Mga dokumento na kailangan:
- Application form ng subsidy *
- Bahagi ng ulat ng sweldo sa part-time work (Mula Enero 2020 hanggang sa kasalukuyan)* Ang mga dokumentong ito ay maaaring ma-download mula sa Kumamoto Kenchou website
- Isang kopya ng iyong pay slip o ng pahina ng iyong bankbook na nagpapakita ng iyong natanggap na suweldo.
- Isang kopya ng passbook para sa account kung saan matatanggap mo ang subsidy.
- Isang kopya ng iyong students ID.
- Isang kopya ng iyong Residence Card.
Panahon ng pagsumite: August 19, 2020-Nobyembre 30, 2020
Paano mag-aplay: Ilagay ang mga dokumento sa isang sobre at ipadala ito sa sumusunod na Address:
〒862-8570 Kumamoto Pref. Kikaku-ka Daigakusei kyufukin kakari
〒862-8570熊本県企画課大学生等給付金係
(Ang mga dokumento ay makakarating, kahit walang nakalagay na street name.)
Kung hindi mo alam kung paano punan ang application form, o kung wala kang Japanese bank account, mangyaring makipag-ugnay sa “
the support center“ .