Q.
Ako ay isang dayuhang naninirahan sa Japan. Nawala ko ang aking pasaporte. Ano
ang dapat kong gawin?
A.
Kapag nawalan
ng pasaporte ang isang dayuhan, kailangang sundin ang sumusunod na pamamaraan.
(1)Ipaalam ang pagkawala ng
pasaporte sa pinakamalapit na estasyon ng pulis, at gawin ang “Ishitsu-todoke”
(Loss of Property Report), at magpagawa ng “Ishitsu-todoke juri
shōmei-sho” (Loss of Property Report Acceptance Certificate) o “Tōnan-todoke
juri shōmei-sho” (Report of Theft Acceptance Certificate).
(2)Sumangguni sa embahada ng
sariling bansa na nasa Japan. Gawin ang pamamaraan para sa pag-reissue o pagtanggap
ng panibagong pasaporte (temporaryong pasaporte, travel certificate, at iba
pa).
Kumamoto
Prefectural Police(外部リンク)
Embahada
sa Japan(外部リンク)