Short-Term Stay
Q.
Dumating ako sa Japan sa pamamagitan ng Short-Term Stay qualification. Nais
kong ipagpatuloy ang paglagi sa bansa. Maaari bang pahabain ang panahon ng
paglagi ko sa bansa?
A.
Karaniwan
ay hindi pinapahintulutan ang renewal o pagbabago ng Short-Term Stay, maliban na
lang kung ito ay batay sa isang natatanging sitwasyon o kalagayan na hindi
maiwasan. Pakitingnan ang website ng Ministry of Justice para sa mga detalye.
Ministry of Justice(外部リンク)
Specific Activities
Q.
Pagkatapos magtapos sa pag-aaral ang isang dayuhang mag-aaral, maaari bang
ipagpatuloy ang paghahanap ng trabaho?
A.
Kapag
ang isang dayuhang mag-aaral ay hindi makahanap ng trabahong papasukan sa Japan
bago makapagtapos ng pag-aaral, maaari nitong baguhin ang residence status sa
“Specific Activities” para ipagpatuloy ang paghahanap ng trabaho. Sa kaso na
kung saan sinusuportahan ng paaralan ang paghahanap ng trabaho, maaaring
ipagpatuloy ang paghahanap ng trabaho hanggang isang taon sa paggamit ng
residence status na “Specific Activities”. Pakitingnan ang website ng Immigration
Services Agency of Japan para sa mga detalye.
Immigration
Services Agency of Japan(外部リンク)
Technical Intern
Q. Ano ang Technical
Internship System?
A.
Ang Technical Internship
System para sa mga dayuhan ay isang sistema na gumagawa ng international
contribution sa human resource development sa paglipat ng teknolohiya, galing
at kaalaman ng Japan patungo sa developing countries sa pamamagitan ng pagsasanay
sa mga dayuhang technical trainees, upang magamit ang mga natutunan sa Japan pag-uwi
sa sariling bansa.
Pakitingnan ang website ng
Immigration Services Agency of Japan o Japan International Training Cooperation
Organization (JITCO) para sa mga detalye.
Immigration Services Agency
of Japan(外部リンク)
Japan International Training
Cooperation Organization(外部リンク)
Kaugnayan
Q. Ako ay naninirahan sa
Japan bilang isang dayuhang mag-aaral. Nais kong papuntahin dito ang aking
asawa at anak. Ano ang mga pamamaraan na dapat kong gawin? Maaari bang
magtrabaho ang aking asawa?
A.
Kung nais papuntahin ng
dayuhang mag-aaral ang sariling pamilya sa Japan, kailangang pumunta ang dayuhang
mag-aaral mismo sa pinakamalapit na tanggapan ng Immigration Services Agency of
Japan at gawin ang aplikasyon sa pagtanggap ng Certificate of Residence Eligibility
para sa “Family Stay”. Sumangguni sa tanggapan ng Immigration Services Agency
of Japan upang alamin ang mga detalye ukol sa paggawa ng aplikasyon para sa
nabanggit na dokumento.
Bagama’t hindi pinahihintulutan
ang pagtrabaho kapag “Family Stay” ang status ng paglagi sa bansa, maaaring
payagan ang paggawa ng part-time job kapag may “shikakugai-katsudo-kyoka” (permiso
sa paggawa ng gawaing hindi sakop ng kasalukuyang Status of Residence) mula sa Immigration
Services Agency of Japan. (May limitasyon sa oras ng pagtrabaho, at nilalaman
ng trabaho.)
Immigration Services Agency
of Japan(外部リンク)
Q. Ang (dayuhang) asawa ng
aking anak na lalaki ay manganganak. Ang sabi ng asawa na gusto nitong ipaalaga
ang bata sa sariling ina. Paano ko papupuntahin sa Japan ang kanyang ina mula
sa ibang bansa. Gaano katagal siya maaaring lumagi sa bansa?
A.
Maaaring imbitahin ang inang
nasa ibang bansa para tumulong sa panganganak. Maaaring pumasok sa Japan sa
pamamagitan ng “Short-Term Stay” residence status, at lumagi sa bansa hanggang
90 araw (maximum). Bagama’t may kaso na kung saan pinahihintulutan ang renewal
o pagbabago sa “Short-Term Stay” status kung sakaling “naatraso ang
panganganak”, “sumama ang pakiramdam pagkatapos manganak” at iba pang dahilan
kung saan maaaring makaapekto sa tagal ng paglagi ng bisita sa bansa, hangga’t
maaari ay ginagawa lamang ito para sa emerhensiya at karamihan sa kaso ay hanggang
isang beses lang naisasagawa ang renewal.