Q. Ano ang mga kinakailangan upang
maisagawa ang renewal o pagbabago sa panahon ng paglagi sa bansa?
A.
Maaaring gawin ang mga
pamamaraan para sa pagbabago sa panahon ng paglagi sa bansa kung nais ipagpatuloy
ang mga gawain sa Japan sa kasalukuyang status of residence,. Tatlong buwan
bago mag-expire ang kasalukuyang status of residence, maaaring gawin ang
aplikasyon para sa pagbabago sa panahon ng paglagi sa bansa. Pakitingnan ang “Patnubay
sa Change of Residence Status, at pagbabago ng Period of Stay” ng Ministry of
Justice.
“Patnubay sa Change of
Residence Status, at pagbabago ng Period of Stay”, Ministry of Justice(外部リンク)
Q. Kami ay mag-asawang dayuhan na naninirahan
sa Japan. Isinilang ang aming anak. Ano ang mga pamamaraan na dapat naming
gawin?
A.
Notis ng kapanganakan: sa tanggapan
ng munisipyo
Isumite ang Notis ng
kapanganakan sa tanggapan ng munisipyo sa loob ng 14 araw. Sa pagsumite ng
nabanggit na notis, ipagkakaloob ang Residence Card bilang “Transitional
Resident Due to Birth”, sa pook ng tirahan. (Mawawalan ng bisa ang Residence
Card kapag hindi naisagawa ang aplikasyon para sa Status of Residence sa loob
ng 30 araw.)
Aplikasyon para sa pasaporte:
sa sariling emabahada sa Japan
Isumite sa emabahada na nasa
Japan, na kinabibilangan ng nasyonalidad ng bata, ang “Notis ng kapanganakan”
at “Aplikasyon sa pag-isyu ng pasaporte”. Maaari din na gawin ang aplikasyon
para sa pasaporte pagkatapos gawin ang aplikasyon para sa Status of Residence.
Pagkuha ng Status of
Residence: sa tanggapan ng Regional Immigration Control Bureau na
kinabibilangan ng sariling tirahan
Kapag dayuhan ang ina at ama,
ang nasyonalidad ng bata ay tulad din ng mga magulang, kung kaya kailangang
isagawa ang aplikasyon sa pagkuha ng Status of Residence. Kailangang gawin ang
aplikasyon na ito sa loob ng 30 araw mula sa araw ng kapanganakan sa tanggapan
ng Regional Immigration Control Bureau na kinabibilangan ng sariling tirahan.
Kapag aalis sa Japan sa loob ng 60 araw mula sa araw ng panganganak (maliban na
lang kung balak umalis sa Japan pagkatapos tanggapin ang re-entry permit
(nasasakop ang “deemed re-entry permit”)), hindi na kailangang gawin ang
aplikasyon sa pagtanggap ng Status of Residence.
*Mga dokumentong
kinakailangan sa pagtanggap ng Status of Residence:
・Application
for Permission to Acquire Status of Residence
・Dokumentong maaaring
magpatunay sa kapanganakan (Birth Registration Certificate, Maternal and Child
Health Handbook, at iba pa)
・Kopya ng Residence
Certificate na naglalaman ng lahat ng miyembro ng sambahayan kalakip ang bata.
・Orihinal
na pasaporte ng bata (maaaring isumite sa ibang panahon)
・Kopya ng
Residence Card at pasaporte ng mga magulang
・Dokumentong maaaring
magpatunay sa trabaho at kita ng mga supporters tulad ng magulang at iba pa (Employment
Certificate, Residence Tax Levy, Tax Payment Certificate)
Q.
Sa anong kaso kinakailangan ang “Shikakugai-Katsudo-Kyoka” (Permiso sa paggawa
ng gawaing hindi sakop ng kasalukuyang Status of Residence)?
A.
Kinakailangan
ito sa kaso ng pagsagawa ng kalakal na kung saan ang kita ay hindi nabibilang
sa kasalukuyang Status of Residence o sa pagsagawa ng gawain na kung saan
tatanggap ng kabayaran. Ang lawak ng gawain ng dayuhang nasa Japan ay
itinatakda sang-ayon sa ipinagkaloob na Status of Residence. Ipinagbabawal ang pagsagawa
ng kalakal na kung saan ang kita ay hindi nasasakop sa hawak na Status of
Residence o pagsagawa ng gawain na kung saan tatanggap ng kabayaran. Subalit,
hindi na kailangang kumuha ng “Shikakugai-Katsudo-Kyoka” sa kaso ng Permanent
Resident, Spouse or Child of Permanent Resident, Long-term Resident, Spouse or
Child of Japanese National dahil walang pagbabawal sa lawak ng gawain para sa
mga nabanggit.
Q.
Nabigyan ako ng permiso para lumagi nang mahabang panahon sa Japan. Nais kong
umuwi nang pansamantala sa sariling bansa. Ano ang mga pamamaraan na dapat kong
gawin?
A.
Kapag
ang Middle to Long-Term Resident ay umalis sa bansa nang pansamantala at nais
bumalik uli sa Japan sa parehong Status of Residence, maaaring sundin ang
dalawang paraan sa ibaba, depende sa panahon ng pag-alis sa bansa.
Kapag
ang panahon ng pag-alis sa bansa ay nasa loob ng isang taon:
Kapag
ang dayuhang may hawak na balidong pasaporte at Residence Card (Special
Permanent Resident Certificate para sa Special Permanent Resident) ay umalis sa
Japan at sa loob ng 1 taon (*kung kulang sa 1 taon ang natitira sa period of
stay sa oras ng pag-alis sa bansa: hanggang sa nabanggit na period of stay
lamang. Special Permanent Resident: sa loob ng 2 taon) ay bumalik uli gamit ang
parehong Status of Residence para ipagpatuloy ang paglagi sa Japan, bilang
patakaran ay hindi na kailangang kumuha pa ng Re-entry Permit. Sa mga dahuyang
umalis sa Japan sa ilalim ng sistemang ito, hindi maaaring gumawa ng extension
para sa validity period sa ibang bansa, kung kaya kapag hindi bumalik sa loob
ng 1 taon (*) mula sa oras ng pag-alis sa Japan, mawawala ang hawak na Status
of Residence.
Kapag
ang panahon ng pag-alis sa bansa ay lumampas sa 1 taon (2 taon para sa Special
Permanent Resident):
Bago
umalis sa Japan ay maaaring makakuha ng “Re-entry Permit” sa pinakamalapit na
tanggapan ng Immigration Services Agency of Japan. Ang Re-entry Permit ay
balido hanggang 5 taon (6 taon para sa Special Permanent Resident).
Q.
Nag-resign ako sa kompanyang tatlong taon kong pinaglingkuran, at kasalukuyang
lumipat sa ibang trabaho. Ano ang mga pamamaraan na dapat kong gawin?
A.
Kapag
lumipat sa ibang trabaho ang dayuhang residente na may employment qualification
na “Engineer / Specialist in Humanities / International Services”, kailangang
isumite ang “notis” sa tanggapan ng Immigration Services Agency of Japan sa
loob ng 14 araw. Kailangan din na magsumite ang kinabibilangang organisasyon ng
notis sa loob ng 14 araw. Upang maiwasan ang anumang problema sa susunod na
pagbabago o renewal, maaaring gawin ang aplikasyon para sa “Employment
Eligibility Certificate” para kumpirmahin kung ang trabaho sa kompanyang
papasukan ay naaangkop o nasasakop sa hawak na Status of Residence. Sa
pamamagitan ng certificate na ito, sa umpisa pa lang ay maaaring kumpirmahin ng
bagong employer ang eligibility ng dayuhang nais ipasok sa trabaho, kung ang
Status of Residence nito bago lumipat ay nababagay sa nilalaman ng trabaho
pagkatapos lumipat. Ang nabanggit na certificate ay ipinagkakaloob lamang kapag
may ginawang aplikasyon at hindi sapilitan.
Q. Nais kong tumanggap ng Permanent
Residence Permit. Ano ang mga kondisyon na kinakailangang tuparin?
A.
Pakitingnan ang “Gabay ukol sa
pagkuha ng Permanent Residence Permit” sa website ng Ministry of Justice.
Mga kondisyon:
(1)May mabuting pagkatao o “good
moral conduct”. Bilang isang karaniwang mamamayan ay namumuhay nang maayos, na
hindi nakakaabala sa ibang tao.
(2)May sapat na ari-arian at
kakayahan upang mamuhay nang sarili. Hindi magiging pabigat sa lipunan sa
araw-araw na pamumuhay, at base sa mga pag-aari at sariling kakayahan ay
inaasahang magkakaroon ng isang matatag na kabuhayan sa hinaharap.
(3)Ang pagbigay ng permanent
residence status sa aplikante ay magiging pabor sa interes ng Japan.
Inilalathala
ng Ministry of Justice ang mga gabay kaugnay sa permanent residence permit,
pati mga kaso ng pagbigay / hindi pagbigay ng permanent residence permit.
Ministry
of Justice, “Patnubay Tungkol sa Pagpapahintulot ukol sa Permanenteng
Paninirahan”(外部リンク)
“Patnubay ukol sa “Kontribusyon
para sa Japan”(外部リンク)
“Mga
kaso ng pagbigay / hindi pagbigay ng permanent residence permit base sa
kontribusyon para sa Japan”(外部リンク)