Pamamaraan sa
pagpapakasal: kapag nagpakasal sa Japan
Q. Ano ang mga pamamaraan na dapat gawin
kapag nagpakasal ang dayuhan at Hapon sa Japan?
A.
Paraan ng pagpapakasal:
Kapag nagpakasal ang dayuhan
at Hapon sa Japan, ginagamit ang domicile-based Japanese system. Kailangang
magbigay ng kopya ng Family Register sa kaso ng Hapon, sariling pasaporte para
sa dayuhan, “Certificate of legal capacity to contract marriage” at iba pa.
Dahil magkaiba ang mga dokumentong kinakailangan depende sa bansang pinagmulan,
kailangang sumangguni muna sa tanggapan ng munisipyo na kung saan gagawin ang
abiso o notipikasyon.
Pagtatag ng kasal:
Bagama’t ang pagsumite ng
kasal sa Japan ay kinikilala o balido sa loob ng bansa, ang kasal na ito ay
maaaring hindi kilalanin na balidong kasal sa bansang pinagmulan ng dayuhang
ikinasal. Kailangang kumpirmahin muna sa tanggapan ng embahada na nasa Japan.
Certificate of legal capacity
to contract marriage:
Sa pamamagitan ng dokumentong
ito, pinapatunayan ng naaangkop na institusyon sa pamahalaan ng bansang
pinagmulan ng dayuhan, na naipatupad nito ang mga kondisyon sa pagpapakasal na
itinakda sa ilalim ng batas ng sariling bansa. Ang dokumentong ito ay
karaniwang ipinagkakaloob sa tanggapan ng mga embahada sa Japan. Ang
“Certificate of legal capacity to contract marriage” ay isinasalin sa wikang
Hapon kapag nakasulat sa wikang banyaga.
Embahada sa Japan
(外部リンク)
Q. Ano ang mga pamamaraan na
dapat gawin kapag nagpakasal ang dayuhan sa kapwa dayuhan sa Japan
A.
Pamamaraan sa Japan:
Kapag nagpakasal ang dayuhan
sa kapwa dayuhan sa Japan, maaaring isumite ang “Notification of Marriage” sa
tanggapan ng munisipyong kinabibilangan ng sariling tirahan, sang-ayon sa batas
ng Japan na kung saan gagawin ang pagpapakasal. Sa kasong ito, kailangang isumite
ang “Certificate of legal capacity to contract marriage” mula sa kanya-kanyang
embahada sa Japan, at ilakip ang pagsasalin ng dokumentong ito sa wikang Hapon.
Ang kasal ay opisyal na itinatatag sa ilalim ng batas ng Japan sa oras na
tanggapin ang Notification of Marriage. Sumangguni sa tanggapan ng sariling
embahada sa Japan para alamin kung balido ang kasal na ito sa sariling bansa.
Pamamaraan sa sariling bansa:
Maaari din na isumite ang
“Notification of Marriage” sang-ayon sa mga batas ng magkabilang bansa, o
sang-ayon sa batas ng isang bansa. Depende sa bansa, may consular office na
hindi tumatanggap ng “Notification of Marriage”, kung kaya kailangang
sumangguni muna sa embassy na nasa Japan.
Mga problema sa panahon
ng pag-aasawa
Q. May problema ang isang
dayuhang babae sa karahasan ng asawa. Ano ang dapat gawin para humingi ng
tulong?
A.
May
sistemang itinatag sang-ayon sa “Batas ukol sa pagpigil sa karahasan mula sa
asawa at proteksiyon ng biktima” (DV Prevention Law), kung saan maaaring
magsumbong, kumunsulta, humingi ng proteksiyon, tumanggap ng suporta para
makatayo sa sarili, at iba pa, kapag nakaranas ng pisikal na karahasan o pag-aasal
na nagdudulot ng mental na pinsala mula sa sariling asawa. Nasasakop din sa batas
na ito ang mga dayuhang biktima ng karahasan. May consultation counter kung
saan maaaring kumusulta kung may problema sa karahasan.
Kumamoto
Prefecture Women’s Consultation Center
(外部リンク)
DV Telephone Consultation: 096-381-7110
2-chome, 3 - 3 Nagamine-Minami,
Higashi Ward, Kumamoto City
Sa loob ng Kumamoto Prefecture
General Welfare Consultation Center
Mga problema na kasabay
ng pagdiborsiyo
Q. Ano ang mangyayari sa
Status of Residence ng dayuhan pagkatapos magdiborisyo?
A.
Kapag ang asawa na isang Middle
to Long-Term Resident na may Status of Residence na “Family Stay”, “Specific
Activities”, “Spouse of Japanese National, etc.”, at “Spouse of Permanent
Resident, etc.”, ay nakipagdiborsiyo o di kaya’y naging biyuda / biyudo,
kailangang magbigay ng abiso sa tanggapan ng Immigration Services Agency of
Japan sa loob ng 14 araw.
Pagdiborsiyo sa Hapon:
Kapag nakipagdiborsiyo sa
asawang Hapon, mawawalan ng angkop ang Status of Residence na “Spouse of
Japanese National, etc.”. Ayon sa notipikasyon ng immigration bureau noong
taong 1996, posibleng ipagkaloob ang Status of Residence na “Long-Term Resident”
sa dayuhang nagpapalaki sa sariling anak na isang menor de edad na may Japanese
Nationality.
Pagdiborsiyo sa kapwa
dayuhan:
Kapag nakipagdiborsiyo ang
isang dayuhang may Status of Residence na “Spouse of Permanent Resident, etc.” bilang
asawa ng isang Permanent Resident o di kaya’y “Family Stay” bilang asawa ng
isang empleyado o mag-aaral, mawawalan ng angkop ang nabanggit na Status of
Residence.
“Ikakansela ang Status of
Residence” ng isang dayuhang gumagamit ng “Spouse of Japanese National, etc.” o
di kaya’y “Spouse of Permanent Resident, etc.” sa paglagi sa bansa kapag
napag-alamang wala itong activity bilang isang asawa nang higit sa anim na
buwan nang walang balidong dahilan.
Kaugnayan
ng magulang at anak
Q. Ano
ang mangyayari sa nasyonalidad, notis ng kapanganakan, apelyido ng anak ng
dayuhan at Hapon na ipinanganak sa Japan?
A.
Nasyonalidad:
Ang
nasyonalidad ng bata ay itinatakda sa pamamagitan ng dalawang sistema, base sa “ethnicity”
at base sa “birthright”. Ipinapatupad sa Japan ang pagbigay ng nasyonalidad
base sa parental ethnicity, kung saan kapag may Japanese nationality ang ina o
ama ay maaaring ipagkaloob ang Japanese nationality sa bata. Maaari din na
magkaroon ng dual nationality ang bata base sa citizenship law ng bansang
pinagmulan ng isang magulang.
Notis ng kapanganakan:
Kapag nanganak sa Japan,
kailangang isumite ang notis ng kapanganakan sa tanggapan ng munisipyo sa loob
ng 14 araw mula sa araw ng panganganak. Kung nais din ipagkaloob sa bata ang
nasyonalidad ng dayuhang asawa, kailangang pumunta sa embahada o consular
office na nasa Japan at ibigay ang notis ng kapanganakan. Ipagkakaloob sa bata ang
Residence Certificate sa pagsumite ng notis ng kapanganakan.
Apelyido:
Dahil
ipapasok ang pangalan ng bata sa family register ng magulang na Hapon, bilang
patakaran ay gagamitin ng bata ang apelyido ng magulang na Hapon. May paraan
din ng pagbigay sa apelyido ng dayuhang asawa.
Naturalization
Q. Ako ay isang dayuhang naninirahan sa Japan nang
matagal na panahon sa piling ng aking pamilya, at nais kong malaman kung puwede
akong magkaroon ng Japanese citizenship. Saan maaaring gawin ang mga pamamaraan
at konsultasyon?
A.
Maaaring ipagkaloob ang Japanese citizenship sa
isang dayuhan sa pagtupad sa sumusunod na mga kondisyon na itinakda sang-ayon
sa Citizenship Law ng bansa.
Kondisyon ukol sa tirahan: patuloy na pagkakaroon ng
tirahan sa Japan sa 5 taon o higit pa.
Kondisyon ukol sa kakayahan: 20 taong-gulang o higit
pa, at may sapat na kakayahan sang-ayon sa batas ng sariling bansa.
Kondisyon ukol sa pag-aasal: taglay ang tamang asal
o pag-uugali
Kondisyon ukol sa kabuhayan: nagagawang mamuhay mula
sa sariling galing at mga pag-aari o mula sa sariling asawa o mga kamag-anak na
kasamang naninirahan.
Kondisyon ukol sa kawalan (loss): walang
nasyonalidad, o handang mawalan ng nasyonalidad sa pagtanggap ng Japanese citizenship.
Kaisipan o paniniwala: hindi pagsali sa mga kilusan
o organisasyon na nagtatangkang sumira sa konstitusyon ng Japan at mga
pamahalaang itinakda sa ilalim nito sa pamamagitan ng dahas.
(Pagpapaluwag sa mga kondisyon): Kapag ang aplikante
ay may kaugnayan sa isang Japanese national, tulad ng pagkakaroon ng asawang
Hapon, at iba pa, o di kaya’y pagkakaroon ng historical bond sa bansang Hapon,
tulad ng mga ipinanganak sa Japan, at iba pa, maaaring paluwagin ang mga
kondisyon sa pagkuha ng Japanese citizenship.
Kapag naaprubahan ang pagkuha ng Japanese
citizenship, magkakaroon ng bagong family register.
Sumangguni sa tanggapan ng Legal Affairs Bureau para
sa konsultasyon o aplikasyon kaugnay sa naturalization.
Family Registry Division, Kumamoto District Legal
Affairs Bureau
No. 2 Kumamoto Government Office Complex, 3-chome 1
- 53 Oe, Chuo Ward, Kumamoto City
Postal Code: 862-0971
Tel: 096-364-2145