熊本県外国人サポートセンター総合トップへ熊本県外国人サポートセンター総合トップへ
熊本県外国人サポートセンター熊本県外国人サポートセンター
背景色 青黒白
文字サイズ 拡大標準
自動翻訳について

<Pagpapagamot / Serbisyo sa publiko>

最終更新日:
 

Pagpapagamot

Q. May mga pagamuntan ba na nagbibigay ng serbisyo sa wikang banyaga?

A.

Maaaring hanapin sa sumusunod na websites ang mga pagamutan na nagbibigay ng serbisyo sa iba’t-ibang wika.

Kumamoto Medical Navi別ウィンドウで開きます(外部リンク)

Kumumoto City Medical Association別ウィンドウで開きます(外部リンク)

 



 

Pampublikong seguro

Q. Hindi ko kayang bayaran ang National Health Insurance premiums dahil masyado itong mahal. Ano ang dapat kong gawin?

A.

Kapag hindi kayang bayaran ang insurance premiums, kailangang kumunsulta agad sa lalong madaling panahon sa tanggapan ng National Health Insurance ng sariling munisipyo. Kung may natatanging dahilan, maaaring mabigyan ng pagbabawas, exemption o di kaya’y pagpapaliban sa pagkulekta ng premiums sang-ayon sa mga patakaran at regulasyon. 



 

Q. Ako ay naninirahan sa Japan nang matagal na panahon. Nasasakop ba ng National Health Insurance ang gastos sa pagpapagamot kapag ako ay nagkasakit sa panahon ng pag-uwi nang pansamantala sa aking bansa? 

A.

Maaaring gamitin ang National Health Insurance para sa gastos sa pagpapagamot sa ibang bansa. Subalit, hindi nasasakop sa pagbayad ang sumusunod na mga kaso:

(1)  Pagpapagamot na kung saan hindi applicable ang health insurance sa loob ng Japan

(2)  Kung ang pakay ng pagpunta sa ibang bansa ay para magpagamot.

 



 

Sistema ng pensiyon

 

Q. Anim na taon akong miyembro ng Employee’s Pension Insurance, at ngayon ay pauwi na ako sa aking bansa. Maaari ko bang gamitin ang temporary refund system ng pensiyon?

A.

Depende sa tagal ng panahon ng pagiging miyembro, maaaring tanggapin ang lump-sum withdrawal payment sa pag-alis sa Japan sa paggawa ng aplikasyon, kapag naging miyembro ng Employee’s Pension Insurance sa 6 buwan at higit pa at walang Japanese citizenship. 

 

Mga kondisyon:

(1) Walang Japanese citizenship

(2) Miyembro ng Employee’s Pension Insurance sa 6 buwan at higit pa

(3) Walang address o tirahan sa Japan

(4) Kailanman ay hindi nagkaroon ng kapasidad o karapatang tumanggap ng pensiyon (kalakip ang disability pension)


Pamamaraan:

Ang sumusunod na mga dokumento ay kailangang ipadala sa tanggapan ng Japan Pension Service sa loob ng 2 taon mula sa pag-alis ng bansa.

(1) Lump-sum Withdrawal Payment Claim Request

(2) Kopya ng pasaporte

(3) Pension handbook

(4) Dokumentong maaaring gamitin sa pagkumpirma sa bank account ng gumagawa mismo ng kahilingan

 

Halagang tatanggapin:

Alamin ang pinakabagong impormasyon ukol sa paraan ng pagkalkula sa tanggapan ng Japan Pension Service

 

 








 




このページに関する
お問い合わせは
(ID:132)
Kumamoto Support Center For Foreign Residents
熊本県外国人サポートセンター
〒862-8570

熊本市中央区水前寺6丁目18番1号 県庁本館8階

Tel:080-4275-4489

Copyright c kumamoto-ken kokusaikyokai All Rights Reserved.

Kumamoto Support Center For Foreign Residents 熊本県外国人サポートセンター
〒862-8570
熊本市中央区水前寺6丁目18番1号 県庁本館8階
Tel:080-4275-4489