Job placement Counter
Q.
Ako ay isang dayuhan sa Japan. Nais kong maghanap ng trabaho. Ano ang dapat
kong gawin para makahanap ng trabaho?
A.
Maaaring
pumunta sa Hello Work para tumanggap ng job introduction.
*Ang
samahang ito ay hindi maaaring magbigay ng trabaho
Kumamoto Labor Bureau, Ministry of Health, Labour
and Welfare(外部リンク)
Kaugnay sa sahod
Q.
Hindi ako binabayaran ng aking employer. Ano ang dapat kong gawin?
A.
Bilang patakaran, kailangang bayaran ng salapi ang buong
halaga ng sahod nang direkta sa manggagawa, nang isang beses bawat buwan sa
itinakdang petsa. Para sa konsultasyon ukol sa sahod na hindi natatanggap,
maaaring sumangguni sa tanggapan ng Labor Standards Inspection Office na may
jurisdiction o saklaw sa pook na kinaroroonan ng kompanya o kalakal.
Sa kasong hindi nabayaran ang sahod sanhi ng pagkalugi
ng kompanya, maaaring tanggapin ng manggagawa ang sahod sa pamamagitan ng
“unpaid wages proxy payment system” sang-ayon sa batas ukol sa pagsiguro sa sahod.
Kumunsulta sa tanggapan ng Labor Standards
Inspection Office na kinabibilangan tungkol sa proxy payment para sa sahod na
hindi nabayaran.
Labor Standards Inspection Office(外部リンク)
Employment
Insurance
Q.
Nalugi ang aking employer at nawalan ako ng kita. Maaari ba akong makakuha ng
unemployment benefits?
A.
Ang
unemployment benefits sa ilalim ng employment insurance ay ipinagkakaloob sa
mga miyembro sa oras na mawalan ng trabaho sanhi ng pagkalugi ng kompanya,
pagkatanggal sa trabaho, pagretiro, o di kaya’y kusang pag-alis sa trabaho sa
personal na dahilan, at iba pa, kung saan hindi makahanap ng panibagong trabaho
sa kabila ng pagkakaroon ng intensiyon at kakayahan para magtrabaho.
Ang
benepisyo ay ipinagkakaloob upang hangga’t maaari ay tulungang makahanap agad
ng trabaho ang miyembro sa pamamagitan ng pagbigay ng suporta upang mapanatili
ang kabuhayan sa itinakdang panahon hanggang sa makahanap ng trabaho. Ang
miyembro ng seguro na biglang napilitang umalis sa trabaho sanhi ng pagkalugi
ng kompanya, pagkatanggal sa trabaho, at iba pa, ay magiging specific qualified
beneficiary. Ang specific qualified beneficiary, specific displaced workers na
umalis sa kompanya sa natatanging dahilan (pag-expire ng labor contract na may
fixed period na walang renewal, o mga umalis na may balidong dahilan), ay
maaaring tumanggap ng benepisyo kung naging miyembro ng employment insurance sa
6 buwan o higit pa sa kabuuan, at kung umabot sa 11 araw o higit pa ang bilang
ng araw na basehan ng pagbigay ng sahod, sa loob ng nakaraang isang taon bago
ang araw ng pag-alis sa kompanya.
Maaaring gawin ang mga pamamaraan sa
pagtanggap ng basic allowance (unemployment benefit) sa pinakamalapit na
tanggapan ng Hello Work. Pakitingnan ang sumusunod na website para sa
impormasyon ukol sa contact details at lokasyon ng Hello Work.
Kumamoto
Labor Bureau, Ministry of Health, Labour and Welfare(外部リンク)